Ibinuking ng manager ng The Captain's Peak Garden and Resort na bukod sa kanila, may dalawa pang resorts na naitayo at nag-ooperate sa vicinity ng Chocolate Hills sa Bohol.

Ito ay matapos mag-viral at kuyugin ng pambabatikos mula sa netizens, celebrities, at maging sa mga politiko at iba't ibang awtoridad ang nabanggit na resort, na kinukuwestyon kung paano ito naipatayo.

Tila "nawindang" ang dating mamamahayag at kasalukuyang House Deputy Majority Leader Erwin Tulfo, kinatawan ng ACT-CIS party list, na bukod sa Captain's Peak ay may dalawa pa palang resort na matagal nang nakatindig at nag-ooperate sa Chocolate Hills na isang protected area at deklaradong UNESCO World Heritage Site; ibig sabihin, hangga't maaari, dapat itong protektahan at hindi dapat mapagtayuan ng commercial establishments, gaya na lamang ng resorts.

“BREAKING NEWS! BUKOD SA CAPTAIN’S PEAK RESORT MAY 2 RESORT PA SA CHOCOLATE HILLS…SAGBAYAN PEAK AT LA BATIANG RESORT. GRABEH, PINAGHATI-HATIAN NA NILA ANG CHOCOLATE HILLS,” aniya sa kaniyang Facebook post.

Probinsya

Nasa 4,000 mga labi, apektado ng konstruksyon sa isang sementeryo sa Cebu

Maging ang TV5 news personality na si Gretchen Ho ay nag-post sa kaniyang X, dahil sa programa nila sa TV5 na "The Big Story" umamin ang manager ng Captain's Peak na si Julieta Sablas tungkol sa dalawa pang resorts.

"Julieta Sablas, manager of Captain’s Peak Resort revealed on #TheBigStory last night that there are at least two other resorts on the Chocolate Hills," ani Gretchen sa kaniyang tweet.

"She also said that the DENR-PAMB already investigated last year when they first trended, and said they were compliant with only “20%” of the structures on the hills themselves."

https://twitter.com/gretchenho/status/1768274320605020636

Ang dalawang resort daw na ito ay may pangalang "Sagbayan Peak" at "La Batiang Resort."

MAKI-BALITA: Buhol-Buhol sa Bohol: Bakit napayagang magtayo ng resort sa Chocolate Hills?

MAKI-BALITA: Resort sa Chocolate Hills, sinita ng netizens; DENR, kinalampag