Nabuking daw ng ina ni Bea Alonzo ang pagpapatulog umano ng aktres sa ex-jowa niyang si Dominic Roque sa bahay nito. 

Sa isang episode ng “Cristy Ferminute” nitong Biyernes, Marso 15, iniulat ni showbiz columnist Cristy Fermin na pinagalitan umano ni Mommy Mary Anne si Bea.

“Nakarating kay Mommy Mary Anne. Natural nagalit. Pinagalitan si Bea Alonzo, ang kaniyang anak,” lahad ni Cristy.

“At mayroon pa silang mga pinagbintangan kung sino ang nagpakalat at nagsumbong kay Mommy Mary Anne,” aniya.

Tsika at Intriga

Jessy niresbakan bashers ng pagsabak ni Luis sa politika

Dagdag pa niya: “Bibigyan natin ng karapatan na magbigay ng panig si Bea at si Dominic kung gusto nila. Pero naunahan na kayo, e. Dapat ‘yan kasi nililinaw ninyo. Hindi ‘yong ganyang nanahimik kayo tapos mayroon naman palang milagrong nagaganap.”

Matatandaang lalong lumakas ang alingasngas na nagkabalikan na ang dalawa nang itsika ni showbiz insider Ogie Diaz ang tungkol sa pagtulog umano ni Dominic sa bahay ni Bea.

MAKI-BALITA: Kahit hiwalay na: Dominic, nakitulog pa rin daw sa bahay ni Bea?

Pero bukod pa rito, nauna nang naiulat ng isa ring showbiz insider na si Jobert Sucaldito ang tungkol sa umano’y boses ni Bea na narinig habang nasa Zoom meeting si Dominic.

MAKI-BALITA: ‘Nahuli sa Zoom!’ Dominic, Bea nagkabalikan daw?

Sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang anomang pahayag ang magkabilang panig para kumpirmahin o pabulaanan ang naturang balita.