Natuwa raw si Manay Lolit Solis nang batiin ni Yen Santos ang nobyong si Paolo Contis sa kaarawan nito.

Sa Instagram post ni Yen nitong Huwebes, tila malaya na niyang flinex si Paolo nang batiin niya ito sa nagdaang 40th birthday nito.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

“Screaming happy 40th birthday to you my best friend! Thank you for everything you do,” sey ng aktres.

View this post on Instagram

A post shared by YS (@ysantos)

Kaya naman laking tuwa ng talent manager ni Paolo dahil sa pagbati ni Yen sa aktor.

“Kaya naman natuwa ako ng openly batiin ni Yen Santos si Paolo Contis ng birthday nito. Talagang hudyat para sa lahat na malaman kung ano ang relasyon ng dalawa,” sey ni Lolit.

Aniya pa, ito na raw ang tamang oras para makita raw ng lahat ang pagmamahala ng dalawa.

“Bongga Salve at Gorgy dahil talagang about time na makita ng lahat ang pagmamahalan nila at tanggapin ito ng buong puso. Wala naman siguro magsasabi na hindi bagay sila Paolo at Yen.”

Natutuwa nga rin daw siya dahil emotionally stable raw ang kaniyang alaga at mukhang solid naman daw ang private life nito kasama si Yen.

“Natutuwa ako na mukha naman very stable emotionally si Paolo Contis. Isa si Paolo Contis sa mababait na tao sa showbiz. Very transparent at very honest to a fault si Paolo. Mahirap siyang magtago sa anuman issue dahil sure na sasabihin niya ang tutoo. Ganuon kalaki ang paniniwala ko kay Paolo Contis dahil para sa akin isa siyang tao na hangga ngayon meron parin innocence of a child,” papuri ni Lolit kay Paolo.

“Natutuwa nga ako na mukhang solid ngayon ang kanyang private life, at kung open na ang kanyang relasyon kay Yen Santos at mukha naman happy sila together bakit nga ba hindi natin tanggapin. So far so good dahil trabaho at private life ni Paolo Contis mukhang in good shape pareho. Wala naman siguro masama kung sakali at maging open sila sa feelings nila dahil pareho naman sila na walang sabit kahit kanino,” dagdag pa niya.