Nagsalita na si Megastar Sharon Cuneta kung bakit hindi natuloy ang napurnadang pangalawang concert sana nila ng dating mister na si Gabby Concepcion.

Matatandaang naging matagumpay ang reunion concert nilang "Dear Heart" noong Nobyembre 2023, at marami sa kanilang fans at supporters ang nag-request na sana raw, magkaroon ng repeat, o kaya naman, panibagong concert tampok ang dating mag-asawa at magkatambal.

Ito kasi ang muling pagsasama ng dalawa ilang dekada na ang lumipas, matapos ang kanilang hiwalayan. Nakasama pa nila ang anak na si KC Concepcion.

Sa panayam ng ABS-CBN News kay Megastar habang siya ay nasa event, inamin niya ang dahilan nito. Kasado na pala dapat ang lahat at tatawagin sana itong "P.S. I Love You" na hango sa pelikula at awitin niya noong 1981.

Events

National Artist Ricky Lee, inihayag susunod na projects matapos 'Kalahating Bahaghari'

Pero ano nga bang nangyari?

"Sorry, to be honest... the repertoire was supposed to be much better than Dear Heart. It was a beautiful show. Kasado na. Everyone was ready. And apparently negotiations didn't go through. But let us just say, hindi siya natuloy because of us," paliwanag ni Mega.

Hindi naman inelaborate ni Mega kung anong negotiation ang tinutukoy niya, at ang "us" ba ay sa kampo nila pareho ni Gabby, o sa kampo lang niya.

"I was so excited to do it, sayang..." dagdag pa ni Shawie. "Because I made so many of our fans happy, and I wanted to continue making them happy."

"So, I guess that's it. Not my fault."

MAKI-BALITA: Gabby, maraming hinihingi; next concert nila ni Sharon di na tuloy?

Isa pang dahilan, nagpapahinga at nagpapagaling daw ang Megastar dahil sa dalawang iniindang sakit. Nakakaranas siya ng lumbar lordosis at osteoarthritis kaya kailangan niyang magpahinga ng halos dalawang buwan.

Samantala, sa kaparehong panayam, ipinaliwanag ni Sharon ang viral post niya kung saan naputol ang ulo ng mister na si Atty, Kiko Pangilinan sa larawan.

“Nag-aaway kami no'n, sorry. You know, we have problems, that’s another thing. How stupid was I, ‘di ba?"

"But also, really, I wanted (a photo of) my gremlins, of the four (her kids). Wala akong makita na picture nila na wala ang daddy nila but then, pagka-post ko, ‘OMG, mukha akong tanga, ba't 'ko pinost, putol 'yong asawa ko!” giit pa ni Shawie.

MAKI-BALITA: Sharon aminadong ‘mukhang tanga’ sa pagputol ng ulo ni Kiko sa pic