Maglalabas umano ang Metro Manila Council (MMC) ng mga panuntunan sa paggamit ng mga light electric vehicles (e-vehicles) bago tuluyang maging epektibo ang ban sa mga e-bikes at e-trikes sa mga pangunahing lansangan sa Abril 15.

Ayon kay San Juan City Mayor Francis Zamora, na siya ring pangulo ng MMC, layunin ng mga naturang guidelines na masagot ang ilang mga katanungan ng publiko hinggil sa paggamit ng naturang behikulo.

Nais rdn aniya nilang maiwasang magkaroon ng kalituhan hinggil dito.

Ani Zamora, kabilang sa mga katanungan na tutugunan ng mga guidelines ay kung kakailanganin ba ng lisensiya sa paggamit ng mga e-bikes at e-trikes sa mga lansangan sa Metro Manila at kung maaari bang dumaan ang mga ito sa bike lanes.

Metro

Sa dami ng nagkakasakit: ER sa ilang ospital sa QC, puno na sa pasyente

Matatandaang noong Pebrero 28, nagpasa ng resolusyon ang MMC upang i-ban na ang mga e-vehicles sa mga national, circumferential at radial roads sa Metro Manila.