Inamin ni Megastar Sharon Cuneta na nagkamali siya sa pag-crop sa ulo ng mister na si Atty. Kiko Pangilinan sa kaniyang viral social media post, na naging dahilan para magkaroon ng espekulasyon ang mga tao na on the rocks na ang kanilang relasyon.

“Nag-aaway kami no'n, sorry. You know, we have problems, that’s another thing. How stupid was I, ‘di ba?" pahayag umano ni Mega, sa ulat ng ABS-CBN News.

"But also, really, I wanted (a photo of) my gremlins, of the four (her kids). Wala akong makita na picture nila na wala ang daddy nila but then, pagka-post ko, ‘OMG, mukha akong tanga, ba't 'ko pinost, putol 'yong asawa ko!” giit pa ni Shawie.

MAKI-BALITA: Sharon pinutulan ng ulo si Kiko

Relasyon at Hiwalayan

Khalil Ramos, Gabbi Garcia engaged na nga ba?

Pagkatapos naman niyon ay naging sweet na ulit sa isa't isa ang mag-asawa at naayos naman daw kaagad ang di-pagkakaunawaan.

MAKI-BALITA: Sharon, nag-‘I love you’ kay Kiko matapos putulan ng ulo

Nilinaw ni Sharon na kung may pinag-aawayan man sila ni Kiko, malinaw na hindi ito third party. Wala rin umanong malisyosong bagay na mga nagaganap sa kanilang pamilya, taliwas sa mga ipinakakalat ng vloggers sa social media.

Speaking of vloggers, tinuluyan na ni Atty. Kiko ang isang YouTube channel dahil sa pagpapakalat nito ng fake news content sa social media laban sa kanilang pamilya at kay KC Concepcion.

Ang pangalan ng nabanggit na YouTube channel ay "Bungangera TV."

MAKI-BALITA: Kiko Pangilinan, pinalagan isang YouTube channel: ‘We filed cybercrime charges’