Naantig ang damdamin ng mga netizen sa mensahe ng aktor na si Gabby Eigenmann para sa namayapang aktres na si Jaclyn Jose, na ina ng kaniyang half sister na si Andi Eigenmann.

Matatandaang napatanong ang mga netizen kamakailan kung ano ang koneksyon ni Gabby kay Jaclyn, at ito ang umalalay kay Andi nang magsagawa ng press conference kaugnay sa kumpirmasyon ng pagkamatay nito noong Marso 2, dahil sa atake sa puso.

MAKI-BALITA: Tanong ng netizens: Gabby Eigenmann, anak ba ni Jaclyn Jose?

Half siblings sina Gabby at Andi dahil pareho sila ng ama, ang pumanaw na aktor na si Mark Gil.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Sa kaniyang Instagram post nitong Marso 12, sinabi ni Gabby na wala nang dapat ipag-alala ang kaniyang "Tita Jane" (totoong pangalan ni Jaclyn) dahil siya na ang bahala sa mga naulilang anak nito, gayundin sa mga apo.

Ang mga naiwang anak ni Jaclyn ay sina Andi at bunsong si Gwen Guck.

"Wag ka na magalala Tita Jane ako na ang gagabay sa kanila.. Mananatili ka sa puso namin at lagi kong ipapadama sa kanila kung gaano mo sila minahal ng lubos..Mahal kita Tita Jane at ako’y nagpapasalamat dahil nadama ko din ang pagmamahal mo sa akin at sa aking pamilya…" ani Gabby.

"May ngiti na sa aking mukha dahil alam ko na mas masaya ka na sa piling ni God kasama si Daddy at Tita Cherie. Salamat uli sa lahat lahat..Cheers Love You❤️🌻🍻"

Tumugon naman dito si Andi, "Love you kuya ❤️."

Samantala, hanga naman ang mga netizen kay Gabby dahil sa ginagawa nitong pag-alalay sa mga kapatid simula umpisa.

"sa ginagawa ni Gabby...lalo ko siyang hinangaan."

"Matagal na syang ganyan actually, napanood ko dati nag holidays sya kina Jaclyn, super close and full of love kaya akala ko nga anak dn talaga sya ni Jaclyn"

"Grabe, ang ganda ng Pagpapalaki sa kaniya ng mga magulang niya."

"Grabe talaga ang eigemann family, sila talaga nagpatunay ng FAMILY IS LOVE"

"Your dad, tita Jane and Cherie were all very wonderful people who were very generous and passionate with their art. They were kind to me and to a lot of people. Rest in power."

"Pinahanga ako ng pamilya Eigenmann 😍, tunay na pagmamahal"

Samantala, nag-post din ng kaniyang farewell message si Andi para sa kaniyang ina.

MAKI-BALITA: Andi sa yumaong inang si Jaclyn: ‘Nasa paraiso ka na, Nanay. Pahinga ka na’