Kung marami ang napapa-sana all sa ginawang pagdaklot ni Maria Oggay o mas kilala bilang si "Apo Whang-Od" kau Ultimate Heartthrob Piolo Pascual, marami rin ang sumisita sa kaniya dahil hindi komportable sa kaniyang ginawa.

MAKI-BALITA: Fans, inggit! Apo Whang-Od, dinaklot si Piolo Pascual

Bagama't kilala na si Apo Whang-Od hindi lang bilang pinakamatandang mambabatok sa Pilipinas kundi maging sa "pagdakma" sa ilang mga lalaking nagpapa-tattoo sa kaniya lalo na ang mga guwapo, tila hindi nagustuhan ngayon ng mga netizen ang napanood nilang video kung saan nakangiting gumapang ang kamay niya sa private part ni Piolo, na tawang-tawa naman.

Paano raw kung si Apo Whang-Od ay isang lalaki at ginawa niya ito sa mga babae? Huwag daw sanang i-justify ang "ridiculous" at "unacceptable act" dahil isa siyang babae at siya nga ang kilalang pinakamatandang mambabatok sa Pilipinas.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

May mga nagsasabi pang dapat pagsabihan si Apo dahil baka akala niyang tama ang kaniyang ginagawa sa pag-invade sa napakapribadong katawan ng lalaki.

May mga nagtanggol naman kay Apo Whang-Od at sinasabing wala silang nakikitang malisya sa ginagawa nito, lalo na kung mga lalaki naman ang nag-request o wala lang sa kanila. Huwag daw sanang i-over-sexualize ito na wala naman daw talaga.

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Piolo tungkol dito, o ang kampo ni Apo Whang-Od.