Kinumpirma ni showbiz columnist Cristy Fermin na sinampahan sila ng kasong cyberlibel ng mga magulang ni Sarah Lahbati na sina Abner Lahbati at Esther Lahbati.

Sa latest episode ng “Showbiz Now Na” nitong Miyerkules, Marso 13, sinabi ni Cristy na kasama sa mga inireklamo ni Esther sina Wendell Alvarez at Romel Chika, co-hosts niya sa naturang showbiz-oriented vlog.

“Tutal sa kaniya na rin naman po ito nanggaling, kami na po ang kukumpirma. Kami pong tatlo ang idinemanda ng cyberlibel ng mag-asawang Abner at Esther Lahbati,” lahad ni Cristy.

“Hindi na po namin idedetalye pa ang mga dahilan kung bakit. Kasi ang abogado na po namin na sina Atty. Ferdie Topacio at Atty. Ralph Andrada ang nakakaalam po ng mga detalyeng ito,” aniya.

Tsika at Intriga

Jessy niresbakan bashers ng pagsabak ni Luis sa politika

Dagdag pa ng showbiz columnist: “Nagkaharap na po kami nang minsan ni Aling Esther at may mga susunod pa po. At naging maayos po ang aming pagkikita sa piskalya ng Quezon City.”

Kaya ngayong nilinaw na nila ang tungkol sa umano’y pagsasampa ng demanda ng mag-asawang Lahbati, umapela sa madla si Cristy na huwag na raw silang manghula pa kung sinong personalidad ang kakasuhan nina Abner at Esther. 

Matatandaang naintriga ang madlang netizens noong Marso 1 sa ibinahaging larawan ni Esther sa Instagram account nito kung saan makikita roon na kasama niya ang kaniyang asawa sa harap ng gusali ng Department of Justice o DOJ.

MAKI-BALITA: Matapos ang hiwalayan: Picture ng magulang ni Sarah Lahbati sa DOJ, usap-usapan