May makabagbag-damdaming farewell message ang aktres na si Andi Eigenmann para sa pumanaw na inang si Jaclyn Jose, na inihatid na nila sa huling hantungan noong Marso 10 sa The Garden of the Divine Word Columbary sa Quezon City.

Ani Andi sa kaniyang Instagram post nitong Marso 12, "Higit pa sa sapat ang itinira mong pagmamahal para kami ay hindi mangulila. Habang buhay kong dadalhin ang iyong mga ala-ala. Maraming salamat sa iyong gabay, Nay. Sa kahit saang parte ng aking buhay parati kitang madarama. Parati kitang makikita."

"Ika'y nasa araw, sa ulan, at sa hanging aking nilalasap. Umaawit ng kantang puno ng pag- asa at ligaya."

"Wala na ang sakit."

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

"Wala na ang takot."

"Matatanaw pa rin kita sa mga ulap, at maririnig ang mga bulong ng iyong pagmamahal. Magkikita din tayong muli. Sa ngayon diringgin ko muna ang iyong mga awit."

"Nasa paraiso ka na, Nanay. Pahinga ka na.🤍"

Bumaha naman ng pakikisimpatya at pakikiramay sa kaniya mula sa mga kasamahan sa industriya, subalit ang nakapukaw sa atensyon ng mga netizen ay ang simpleng komento rito ng half brother na si Gabby Eigenmann, na sinamahan siya at hindi iniwan simula umpisa.

"Love you Andeng.." aniya.

Noong Marso 2 ay nasawi si Jaclyn habang mag-isa sa loob ng bahay niya sa Quezon City matapos atakihin sa puso, ayon na rin sa pagkumpirma ni Andi sa pamamagitan ng isang media conference.

MAKI-BALITA: Jaclyn Jose, pumanaw na

MAKI-BALITA: PPL Entertainment, kinumpirma ang pagpanaw ni Jaclyn Jose

MAKI-BALITA: Andi Eigenmann, isiniwalat ang cause of death ng ina

MAKI-BALITA: Andi Eigenmann, umapela na igalang ang kanilang pagluluksa

MAKI-BALITA: Andi Eigenmann sa pumanaw na ina: ‘Magkikita tayong muli’