Nasa kabuuang ₱1.3 bilyong jackpot ang tinamaan ng dalawang mananaya nitong Enero.

Ito ay batay na rin sa datos na inilabas ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa kanilang website kamakailan.

Ang dalawang mananaya ay nanalo nitong Enero 16 at 17.

Nasa ₱640,654,817.60 ang napanalunan ng mananayang bumili ng ticket sa Rizal Avenue lotto outlet sa Maynila nitong Enero 16.

National

Ilocos Sur, niyanig ng magnitude 4.3 na lindol

Nahulaan nito ang winning combination ng Super Lotto 6/49 na 26-33-14-48-06-42.

Aabot naman sa ₱698,806,269.20 ang tinamaan ng ikalawang mananaya dahil nahulaan nito ang number combinations na 24-50-52-09-51-03 sa 6/55 Grand Lotto draw nitong Enero 17

Kabilang lamang ang dalawa sa 10 nanalo sa lotto nitong Enero, ayon sa PCSO.

Gayunman, hindi nilinaw ng PCSO kung kinubra na ng dalawa ang kanilang premyo.