Tinatayang aabot sa ₱129 milyon ang posibleng tamaan sa Grand Lotto 6/55 draw ngayong Marso 13 ng gabi.

Sinabi ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), hindi napanalunan ang jackpot na ₱122 milyon sa March 11 draw nito kung saan lumabas ang winning combination na 53-39-30-54-11-40.

Dahil dito, tumaas ang premyo para sa bola nito ngayong Miyerkules dakong 9:00 ng gabi.

Matatandaang mahigit sa ₱698 milyong jackpot ang napanalunan ng isang mananaya nitong Enero 17 makaraang mahulaan ang winning number combination na 24-50-52-09-51-03.

National

Ilocos Sur, niyanig ng magnitude 4.3 na lindol

Ang Grand Lotto ay binobola kada Lunes, Miyerkules at Sabado.