Ibinida ni Kapamilya TV host-actor Luis Manzano ang muli nilang pagkikita-kita ng mga naging co-hosts sa noontime show na "It's Your Lucky Day" sa hindi binanggit na dahilan.

Sa kaniyang Instagram post nitong Lunes, Marso 11, ibinida ni Luis sa video ang co-hosts na sina Shaina Magdayao, Negi, Jennica Garcia, Melai Cantiveros, Long Mejia, Francine Diaz, Seth Fedelin, at Robi Domingo.

"Bakit kaya magkakasama kami ulit 😂😂😂😂Hey hey !" kunwa'y sabi ni Luis sa caption.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Sa dulo, sinabi ni Long na abangan na ng mga tao dahil malapit na.

Nasilip naman sa video na nasa set sila ng "I Can See Your Voice" na hino-host ni Luis. Kasama niya rito sina Negi, Long, at Jennica.

Nagkataon lang ba o intensyon talaga ito lalo't kontrobersiyal at pinag-uusapan ngayon kung anong noontime show ang ipapalit sa "Tahanang Pinakamasaya" na tuluyan nang namaalam sa ere noong Marso 8, 2024.

Bagama't ABS-CBN ang nag-produce ng show na rumelyebo sa nasuspindeng "It's Showtime" noong Oktubre 2023, posible na kasi ngayong mapanood ang isang Kapamilya show sa GMA Network o GTV, kagaya ng nangyari sa Showtime.

Narito ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens:

"Nangangamoy it's your lucky day comeback"

"parang ito ang kapalit ng tahanang pinasaya."

"Dapat ibang time slot. Kasi kapag nagkataon, magkakatapat sila ng It's Showtime."

"Bakit wala sina Kyle and Andrea?"

Samantala, wala pang tugon si Luis o iba pang hosts kung bakit muli silang nagsama-sama.