Niyanig ng magnitude 4.0 na lindol ang probinsya ng Davao Oriental nitong Martes ng tanghali, Marso 12, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa ulat ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 12:21 ng tanghali.

Namataan ang epicenter nito 125 kilometro ang layo sa timog-silangan ng Jose Abad Santos, Davao Occidental, na may lalim na 40 kilometro.

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.

Hindi rin daw inaasahang magdudulot ng pinsala ang nangyaring mga pagyanig.