Nalinsad ang buto sa balikat ni “What’s Wrong With Secretary Kim?” star Paulo Avelino habang nagwo-workout sa isang gym kamakailan.

Sa Instagram story ni Paulo nitong Linggo, Marso 11, ibinahagi niya ang isang video clip kung saan mapapanood siyang nagbubuhat ng weights. 

Photo Courtesy: Screenshot from Paulo Avelino (IG)

“Huling sandali bago magsakuna. Dislocated my shoulder attempting my PR for power snatches,” saad ni Paulo.

Beauty Gonzalez, sinita sa paraan ng paghiwa ng kalabasa

Pero sa kasalukuyan, nasa mabuti na raw ang kalagayan niya. 

“I’m all good now. Thank you sa nurses and doctors of Makati Med and also sa mga pogi na classmates ko sa gym esp @red_espiritu,” aniya.

Anyway, mapapanood na sa darating na Marso 18 ang “What’s Wrong With Secretary Kim?” sa mismong online streaming platform ng Viu.

MAKI-BALITA: KimPau sa big screen, posible ba?