Hot topic nina Cristy Fermin at Romel Chika sa latest episode ng "Cristy Ferminute" ang umano'y pagrereklamo raw ng mga pinaalis na kasambahay ng Kapuso star na si Bea Alonzo.

Tila hindi raw nakaayon at kakampi ng aktres ang kapalaran dahil sa mga naglalabasang isyu laban daw sa kaniya. Kalat na kalat na raw sa social media ang pagra-rant ng mga pinaalis na kasambahay, lalo na raw ang girlfriend ng kaniyang driver.

Ang reklamo raw nito, oo raw at nagbibigay ito ng pambayad sa SSS at PhilHealth subalit hindi naman daw pinapayagang maglakad o mag-asikaso ng mga dokumento.

Matatandaang nakapaloob sa Kasambahay Law, sa Artikulo IV Seksyon 30 ang tungkol sa pag-cover ng isang employer sa social and other benefits ng mga kasambahay.

Tsika at Intriga

Huling post ni Dinky Doo bago pumanaw, dumurog sa puso ng netizens

Nasusulat, "A domestic worker who has rendered at least one (1) month of service shall be covered by the Social Security System (SSS), the Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth), and the Home Development Mutual Fund or Pag-IBIG, and shall be entitled to all the benefits in accordance with the pertinent provisions provided by law."

Sa pagpapatuloy, "Premium payments or contributions shall be shouldered by the employer. However, if the domestic worker is receiving a wage of Five thousand pesos (P5,000.00) and above per month, the domestic worker shall pay the proportionate share in the premium payments or contributions, as provided by law."

Reklamo raw ng mga kasambahay na ito, ayaw raw silang palabasin o payagang lumabas upang maasikaso nila ang kanilang mga dokumento.

Nabanggit pa ni Cristy ang tungkol sa kapag daw nabangga ang sasakyan ni Bea ay pababayaran daw sa driver.

"Wala bang insurance itong mga sasakyan ni Bea Alonzo?" napapatanong na sey ni Cristy.

Habang isinusulat ang balitang ito ay wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang kampo ni Bea Alonzo tungkol dito. Bukas ang Balita sa kaniyang panig.