Pinasalamatan ni Unkabogable star Vice Ganda ang panlolokong ginawa sa kaniya ng ex-partner niya nang maging performer siya sa bansang Guam.

Sa segment na “EXpecially For You” ng “It’s Showtime” nitong Lunes, Marso 11, ikinuwento ni Vice Ganda ang bahaging ito ng kaniyang buhay.

“Six months ako sa Guam, performer ako do’n. So nire-renew ako n’ong manager ko na gusto nila another 6 months. Sabi ko: ’Hindi, gusto ko na umuwi kasi mamatay na ‘ko, gusto ko na makasama ‘yong jowa ko,’” lahad ni Vice Ganda.

“Pagdating na pagdating ko... sinundo ako sa airport, diretso kami ng SM North para bumili ng Playstation. Kasi gusto niya ng Playstation. […] Pag-uwi namin […] nakikipaghiwalay siya kasi may nabuntis siya. 

Relasyon at Hiwalayan

Khalil Ramos, Gabbi Garcia engaged na nga ba?

Dagdag pa niya: “Pero nagpabili pa siya ng Playstation. Kinuha niya pa lahat. ‘Yong pasalubong ko, lahat kinuha niya. Pero no’ng gabi, nakabuntis siya. Sinabi niyang: ’Mayro’n akong girlfriend, tapos buntis siya.’”

Gayunpaman, nagpapasalamat pa rin daw si Vice Ganda sa ex-partner niya dahil sa ginawa nito sa kaniya.

“Thank you because you prepared me to be who I am right now. […] Thank you for fooling me and leaving me because that led me to my Ion now,” saad pa niya.

Napuno naman ng tilian at palakpakan ang buong studio dahil sa sinabing ito ni Vice Ganda. Sana nga talaga ay sila na ni Ion hanggang dulo.

Matatandaang noong pumasok ang 2024 ay nangako pa sila sa isa’t isa na sasagarin ang kanilang pagmamahalan hanggang 2090.

MAKI-BALITA: Vice Ganda, Ion Perez sasagarin pagmamahalan hanggang 2090