How true ang kumakalat na balitang nagkakatampuhan daw ngayon ang aktres na si Bea Alonzo at ang Asia’s King of Talk na si Boy Abunda?

Sa latest episode ng “Oras ng Opinyon, Talakayan, at Diskusyon” noong Sabado, Marso 9, sinabi ni showbiz insider Jobert Sucaldito na hindi na raw niya narinig pang nagsalita si Boy tungkol sa isyu ni Bea at ng ex-fiance nitong si Dominic Roque.

“I haven’t talk to him [Boy] about this. Pero sabi ko nga, nalulungkot ako. Because of this matter na totoo namang nangyari, totoo namang naghiwalay, at instead of magpasalamat, pero kailangan pang insultuhin at ibalik pa kay Kuya Boy ‘yong pangyayari,” lahad ni Jobert.

Matatandaan kasing matapos iulat ni Boy sa programa nitong “Fast Talk with Boy Abunda” ang breakup nina Bea at Dominic, naglabas ng joint statement ang dalawa at mababasa roon ang tila pasaring sa nagkumpirma ng kanilang hiwalayan nang wala umanong consent nila.

Tsika at Intriga

Jessy niresbakan bashers ng pagsabak ni Luis sa politika

MAKI-BALITA: Walang consent? Bea may pasaring sa mga nagkumpirma ng breakup nila ni Dominic

Hindi naman nagbigay ng pahayag o komento si Boy nang minsan siyang tanungin tungkol sa isyung ito.

MAKI-BALITA: Boy, ‘no comment’ sa pasaring ni Bea tungkol sa inispluk na breakup

Kaya naman, pinagsabihan ni Jobert si Bea sa naturang vlog na hindi raw patas ang ginawa nito kay Boy lalo na’t totoo naman ang sinabi ng huli sa programa nito.

“It’s not fair for Kuya Boy. Ako I felt that. Hindi dahil sa kinakampihan ko si Kuya Boy but I also love Bea pero it was wrong, Bea, ha. It was very wrong,” saad ni Jobert.

“Sana kung ‘di kayo naghiwalay, pwede mong akusahan si Kuya Boy na nangialam, na ‘di nagpaalam,” aniya.

Dugtong pa ng showbiz insider: “Kailangan kasi ng public na malaman ito. Saka there’s a pressure. There’s this pressure from the public to know ano ba talaga ang status.”

Gayunpaman, hangad pa rin ni Jobert na maayos nina Bea at Boy ang gusot sa pagitan nila. In fact, nanghihinayang siya sa friendship ng dalawa dahil alam niya kung gaano sila kalapit sa isa’t isa.

Sa kasalukuyan, wala pang pahayag na inilalabas ang magkabilang panig para kumpirmahin o pabulaanan ang balitang ito tungkol sa kanila.

Pero kung sakali mang totoo, hindi ito ang unang beses na nagtampo si Bea kay Boy. Matatandaang sa isang episode ng “Fast Talk” ay inamin ng aktres na nagtampo siya sa King of Talk dahil sa ex-jowa nitong si Gerald Anderson.

MAKI-BALITA: Bea Alonzo, aminadong nagtampo kay Boy Abunda dahil kay Gerald Anderson