Palaisipan sa mga netizen kung matagal na o recent lang ang larawan ni Kapuso star Bea Alonzo kung saan makikitang may suot siyang singsing sa kaniyang palasingsingang daliri, na mahihinuhang engagement ring na ibinigay sa kaniya ng ex-boyfriend na si Dominic Roque.

Kung matatandaan, umiikot ang tsikang tila nagkabalikan na raw ang dalawa, pero ang tanong, ay kung tuloy pa ba ang kasalan.

Puwede kasing naayos na ng dalawa ang gusot na pinag-ugatan kung bakit hindi na matutuloy ang kasal, kumbaga, one more chance at love is sweeter the second time around sa pagitan ng dalawa, pero baka hindi pa sila handang mag-settle down.

Sa isa sa mga larawang naka-upload sa Instagram page ng "Bash Manila," bag and travel essentials business ni Bea, kapansin-pansin ang singsing sa kaniyang daliri na kitang-kita naman habang flineflex niya ang isang handbag na paninda nila.

Relasyon at Hiwalayan

'Kapal ng pagmumukha!' Appreciation post ni Aljur kay AJ, pinutakti ng netizens

Isa pa, napansin ng mga netizen na nagpuso rito si Dom.

"In our first class era ☁️💫"

"Drop by our e-commerce stores to grab yours! Link in bio 🛍️," mababasa sa caption.

View this post on Instagram

A post shared by BASH* (@bash.manila)

Narito naman ang mga reaksiyon at komento ng netizens:

"The ring and the like ni dom❤️"

"Awwwww the E ring💍❤️❤️❤️"

"magkabalikan BeaDom nakita ko engagement Bea 💍😍❤️"

"Sign naba ung 💍? 🥹😍"

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang dalawa tungkol sa maugong na tsikang nagkabalikan na sila.