Nakakaloka ang ibinuking ni Pepe Herrera tungkol sa kaniyang co-stars na sina Paulo Avelino at Kim Chiu sa ginanap na Grand Media Conference ng “What’s Wrong With Secretary Kim?” sa Gateway Mall, Araneta Center, Quezon City nitong Sabado, Marso 9.

Bukod kasi kina Angeline Quinto, Franco Laurel, at Phi Palmos, isa rin si Pepe sa mga hiniritang mag-sample ng kaniyang talent sa pagkanta sa naturang event.

Pero ‘di gaya ng mga nauna sa kaniya, nagbahagi muna si Pepe ng ilang detalye kung anong klaseng ugnayan ba ang mayroon sila Kim at Paulo sa taping bago niya kantahin ang “Halaga” ng Parokya ni Edgar.

“Feeling ko isa ‘to sa mga kanta ni BMC [Brandon Manansala Castillo] para kay Secretary Kim,” lahad ni Pepe.

Teleserye

Kilig sa pagniniig: Alden at Sanya may 'digmaan' daw sa stock room

“Ito sa totoo lang, ha. Ito hindi naman ‘to secret, kinikilig talaga kami sa kanila. Kay Paulo saka kay Kim. Kasi kung lolokohin nila kami sabihin nilang matagal na silang magkasintahan, maniniwala kami,” aniya.

Dagdag pa ni Pepe: “Actually para silang mag-asawa sa set. ‘Yong pagiging comfortable nila sa isa’t isa. Parang lang, ha.” 

Matapos itong sabihin ni Pepe, sinita na siya ni Kim at sinabihang kumanta na. 

Samantala, sa isang bahagi ng mediacon, nausisa rin sina Kim at Paulo tungkol sa posibilidad na makita silang dalawa sa big screen.

MAKI-BALITA: KimPau sa big screen, posible ba?

Nakatakdang ipalabas ang naturang serye sa darating na Marso 18 sa mismong online streaming platform ng Viu.