Nagdulot ng katatawanan sa social media ang nakuhanang sweet moment ng mag-jowang magkayakap habang nanonood nang live sa isang sikat na segment ng noontime show na "It's Showtime," ang "EXpecially For You."

Mismong sa Facebook page ng "It's Showtime" naka-upload ang nabanggit na larawan na may caption na "Naol teh."

Hindi natukoy ang pagkakakilanlan ng dalawa subalit makikitang tila tutok na tutok sila sa panonood ng segment habang magkayakap.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Narito naman ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens.

"Plot twist: Nahuli ni misis!"

"ayyyt ang sweet sana legit"

"tawang tawa ako kanina diyan! hahaha"

"Napanood ko to kanina nahagip ng camera man 😁😁🤣🤣 dumaan uli sa kanila ang camera nakaayos na ang upo nilang dalawa 😁😁🤣🤣nahiya na siguro akala nila nsa bahay lang silang dalawa."

"Baka kasi giniginaw po yarnn.. Pakipatay po aircon... Joke... 🤗🤗"

Umabot na sa 307k haha reactions, 10k shares, at 3.1k comments ang nabanggit na FB post.