Kamakailan lamang ay ibinida ng TV host-social media personality na si Alex Gonzaga ang ginawa niya para maibsan ang pangungulila sa kaniyang mister na si Lipa City, Batangas Councilor Mikee Morada.

Para hindi ito mamiss habang wala ito, nagpa-customized siya ng punda ng unan para kapag wala ito sa kaniyang tabi, sa tuwing matutulog siya, ay parang yakap na rin niya ang mister.

"Matutulog ng mahimbing kapiling ka kahit malayo sa isa’t - isa β€οΈβ€πŸ©ΉπŸ˜­πŸ˜‚," ani Alex kalakip ang ilang mga larawan kung saan makikitang yakap-yakap niya ang unang may mukha ng mister.

May hashtag naman itong #Clingywiferockzzz.

Relasyon at Hiwalayan

Julia sa pagmamahal ni Marjorie kay Gerald: 'I really appreciate it!

"Feeling πŸ˜…," komento naman dito ng ate na si Toni Gonzaga-Soriano.

Ngunit nakakaloka ang reaksiyon at komento ng netizens sa comment section dahil may mga nag-akalang ang social media personality na si Whamos Cruz ito, at ang iba, inakalang ang abogado at dating senatorial aspirant na si Atty. Chel Diokno.

"Unang tingin ko kala ko si Whamos. 😭"

"Atty Chel Diokno."

"Nagulat ako kala ko si wamosπŸ˜‚"

"Omg kala ko si chelDiokno 😊"

"@cathygonzaga akala ko pinaputing Whamos yung yakap mong unan πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚ peace ✌️"