Tuwang-tuwa si Ginebra San Miguel 2024 Calendar Girl Heaven Peralejo sa regalo sa kaniya ng nabanggit na liquor brand company---binigyan kasi siya ng personalized bottle kung saan pinalitan ang pamosong logo nito ng mukha niya.

"This is insaaaanee!! Me on this iconic bottle????? 🥹 Definitely on top of my favorite personalized gifts. Thank you @barangayginebra I’ll always be grateful ❤️," ani Heaven sa kaniyang caption.

View this post on Instagram

A post shared by Heaven Peralejo (@heavenperalejo)

"Celebrating 190 years in the industry, and being a part of the @barangayginebra family during this milestone is truly an honor. Here’s to Barangay Ginebra, a brand that embodies the best of Filipino spirit and culture. Cheers!"  masaya pang sabi ni Heaven.

Ang sikat na logo ng nabanggit na liquor brand ay gawa ng national artist na si Fernando Amorsolo na nilikha niya noong 1917.

Sa nabanggit na logo, makikita si St. Michael Arcangel na pinupuksa ang isang demonyo, kaya tinawag itong "Marca Demonio" at makikita sa mga "bilog" at "kuwatro kantos" na bote ng nabanggit na liquor brand.