Ibinahagi ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) chair Lala Sotto na finally raw ay nagkrus na ang mga landas nila ni "It's Showtime" host Vice Ganda, sa isang event.

Hindi raw inaasahan ni Lala na magkikita sila ni Vice Ganda sa UNA Fashion Gala ni Paul Cabral sa The Laperal Mansion noong Pebrero 27.

Sa panayam kay Lala, sinabi niyang nakita na niya si Vice Ganda sa event subalit walang pormal na nagpakilala sa kanila sa isa't isa.

Sa dami raw ng tao, dumating sa puntong nagkatapatan sila ni Vice Ganda.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Nagpansinan ba naman ang dalawa matapos ang isyu sa pagitan ng MTRCB at It's Showtime?

"It was the fashion show of Paul Cabral, so nagkita kami doon. Nakakatuwa kasi nobody introduced us. I just, of course, knew na siya si Vice Ganda. Then, nagkataon lang kasi napakaraming tao, so nagkatapat kami. So hayan, nagkita kami, nagbeso kami… nakakatuwa. So happy, finally, nag-meet kami.”

Kung babalikan, nagkaroon ng isyu sa pagitan ng ahensya at show noong Setyembre 2023 matapos masuspinde ang naturang noontime show sa loob ng 12 araw.

Nag-ugat ito sa patong-patong na raw na violation at reklamo sa show, idagdag pa ang "icing incident" nina Vice Ganda at partner nitong si Ion Perez, sa segment na "Isip Bata."

MAKI-BALITA: Lala Sotto, nanonood ng It’s Showtime, may inaabangan

MAKI-BALITA: ‘Due process’ ng MTRCB sa suspension ng It’s Showtime, idinetalye