Finlex ng komedyante-online seller na si Kiray ang isang artwork na may pamagat na "Nang Ayat" na nangangahulugan daw na "Mother's Love."

Ang nabanggit na artwork ay disenyo sa dingding ng resort na pinuntahan kamakailan ni Kiray.

Relate dito si Kiray dahil expose naman sa madlang netizens na mahal na mahal niya ang mga magulang, kaya all-out siya kung magbigay ng sorpresa at regalo sa kanila, lalo na sa Mama niya.

Kahit mahirap, inaako ni Kiray ang pagiging breadwinner sa kanilang pamilya, kahit na hindi pa siya handa sa "mature role."

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

"Nang ayat means Mother's Love. Pero kung di niyo naitatanung.. grabe rin magmahal ang mga anak sakanilang mga magulang lalo na sa mga nanay nila. Kaya ma, kahit di pako ready sa mature role.. kakayanin ko for you! HAHAHAHAHA! Salamat Nang Ayat sa napaka gandang resort niyo! Babalik ako dito para makapag pahinga ulit!" caption ni Kiray.

Bagama't dapat ay nakapokus ang mga netizen sa artwork, sa ibang bagay napadpad ang kanilang paningin.

"AY! BATANG MAY LABAN😂😄💕🇦🇺🇦🇺"

"ang kinis idol"

"Sna all gnyan ka kinis ang pwet"

"Kung ganyan lang din kakinis ang kigol ko mag ganyan ako"

"Pwet talga nagdala"

"sa pwet tlga aq nagfocus"

"sana all na lang talaga sa makinis na wetpaks"

Hindi na bago kay Kiray ang medyo daring na posing na nagpapasilip nang bahagya sa kaniyang behind.

Eh kung may ibubuga naman, why not 'di ba?

MAKI-BALITA: ‘Makinis, maputi!’ Pwetmalu ni Kiray pinanggigilan