Pinabulaanan ng award-winning actress na si Sylvia Sanchez ang kumakalat umanong balita na lalabanan daw ng anak niyang si Congressman Arjo Atayde si Quezon City Mayor Joy Belmonte.

Sa latest vlog ng actress-politician na si Aiko Melendez kamakailan, tuluyang tinuldukan ni Sylvia ang intrigang tatakbo raw bilang mayor si Arjo sa darating na 2025 Elections.

“Unang-una, ayaw ‘yan ni Cong. Arjo. Matimbang kay Arjo ‘yong utang na loob. Sinasabi nga na sa politics daw hindi raw ino-honor ‘yong salitang “utang na loob,” lahad ni Sylvia.

“Pero hindi. Hindi gano’n si Arjo. Sa kaniya, ang tumulong sa kaniya, ang nagpapasok sa kaniya dito, tumulong, naging member niya, si Mayor Joy Belmonte,” aniya. 

National

PBBM sa National Teacher's Day: 'I wish you a joyful and productive celebration'

Dagdag pa ng aktres: “Sinabi niya talaga sa akin. ‘Hindi ko lalabanan si Mayor Joy Belmonte. ‘Yan ang nanay ko dito.’ Para matapos na ‘yong mga ganyan, hindi po lalaban si Arjo kay Mayor Joy Belmonte.”

Iginiit ni Sylvia na imposible raw itong mangyari. Dahil bukod nga sa ayaw ni Arjo, maging sila raw ng asawa niyang si Arturo Atayde ay hindi sang-ayon sa ganoong ideya.

Matatandaang isa si Arjo sa mga celebrity na nanalo sa nakaraang 2022 National Elections. Nailuklok siya bilang congressman ng 1st District ng Quezon City.

MAKI-BALITA: Sino-sino ang celebrity candidates na nagwagi sa nagdaang halalan?