Pinabulaanan ng kampo ni Angel Locsin ang kumakalat na tsikang papasok siya sa seryeng "FPJ's Batang Quiapo" ni Coco Martin.

May kumakalat kasing video na parang teaser ng pagpasok ni Angel sa nasabing action-drama series, at alam naman ng lahat na pagdating sa ganitong genre ay talagang kayang-kaya at mahusay ang aktres.

Ngunit mula mismo sa social media page ng aktres ang nagsabing fake news ito. Ang video ay spliced clips at kuha pa sa "The General's Daughter" ni Angel.

"We know you miss her so much, but the rumor is NOT TRUE."

Tsika at Intriga

Jessy niresbakan bashers ng pagsabak ni Luis sa politika

"The viral 'teaser' showing the action-drama queen, Angel Locsin, as the newest cast member of Batang Quiapo was spliced from her 2019 top-rating teleserye, The General's Daughter."

"For the meantime, you can legally stream Angel Locsin's iconic teleseryes and her blockbuster movies on ABS-CBN, Star Cinema's YouTube channel, GMA YouTube channel, and through the IwantTFC app for free!"

Matagal-tagal na ring nasa showbiz hiatus si Angel kaya nasasabik na ang fans kung kailan kaya mapapanood ulit ang idolo sa telebisyon o big screen.

Sa latest na panayam sa actress-TV host na si Dimples Romana na BFF ni Angel, sinabi niyang masaya naman daw ang buhay ng kaibigan habang nasa loob ng bahay.