Matapos siyang maaresto kamakailan sa ikalawang pagkakataon, ibinahagi ng drag queen na si Amadeus Fernando Pagente, mas kilala bilang Pura Luka Vega, na patuloy pa rin siyang naniniwala sa “Divine Being”, na nasa panig ng mga “oppressed.”

Matatandaang muling inaresto ang si Pura noong Huwebes, Pebrero 29, dahil pa rin sa krimen kaugnay ng kaniyang naging kontrobersiyal na “Ama Namin” drag performance noong nakaraang taon.

MAKI-BALITA: Pura Luka Vega, muling inaresto

Nakalaya naman siya noong Biyernes ng hapon, Marso 1, matapos makapagpiyansa ng halagang ₱360,000.

Tsika at Intriga

'Unbothered?' Karen Davila, nag-flex ng larawan kasama ang pamilya Laude

MAKI-BALITA: Pura Luka Vega, nakalaya na

Sa isang panayam ng mga mamamahayag na inulat ng ABS-CBN News nitong Biyernes, Marso 8, sinabi ni Pura na sa gitna ng mga kinahaharap niyang kaso, nananatili siyang matatag hindi lamang dahil sa kaniyang pamilya at mga kaibigan, kundi dahil sa pananampalataya niya sa Diyos.

"Hindi naman nag-waver ang paniniwala ko sa Divine Being. It’s weird, but I think God has always been on our side, the side of the oppressed and the side of the LGBTQIA+ community. And that’s what matters. Thank you, Lord," saad ni Pura.

Ayon pa sa drag queen, natutunan niya mula sa kaniyang naging unang pagkaaresto noong nakaraang taon ang pagiging “resilient” na in-apply naman daw niya nang muli siyang arestuhin.

"We were born resilient. We have gone to probably much worse para sa'kin laban lang,” ani Pura.

Matatandaang noong Oktubre 4, 2023 nang unang arestuhin ng Manila Police District (MPD) si Pura dahil sa mga reklamong isinampa laban sa kaniya kaugnay ng kaniyang drag performance, at nakalaya rin pagkatapos ng tatlong araw dahil sa piyansang nagkakahalaga ng ₱72,000.

MAKI-BALITA: Pura Luka Vega, inaresto sa Sta. Cruz, Manila

Samantala, mahigit 20 mga lugar na rin sa bansa ang nagdeklara ng persona non grata laban sa kaniya kaugnay pa rin ng nasabing Ama Namin drag performance.

MAKI-BALITA: Mga lugar na nagdeklara ng persona non grata laban kay Pura Luka Vega

“Tell me EXACTLY what I did wrong. I’m open for a dialogue and yet cities have been declaring persona non grata without even knowing me or understanding the intent of the performance. Drag is art. You judge me yet you don’t even know me,” saad naman ni Pura kamakailan hinggil sa pagkaka-persona non grata sa kaniya.

MAKI-BALITA: Pura Luka Vega, nag-react sa halos sunod-sunod na pagka-persona non grata

Iginiit din kamakailan ng drag queen na hindi raw krimen ang drag.

MAKI-BALITA: Pura Luka Vega: ‘Drag is art, it’s not supposed to be a crime’