Humanga si Lolit Solis sa "sagad sa dulong" pagmamahal ni Popstar Royalty Sarah Geronimo sa kaniyang Mommy Divine.

Matatandaang sa naganap na Billboard Women in Music 2024 noong Huwebes, Marso 7, pinasalamatan ng Popstar Royalty ang kaniyang ina.

"... shout out to my mother, Mommy Divine Geronimo, you are the best. You are my hero. [I] love you very much. I mean, I cannot imagine myself being a mother, all the sacrifices that a mother has to do for their child. It’s mind blowing.”

MAKI-BALITA:  Sarah Geronimo, pinasalamatan ang ina sa Billboard Women in Music

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Dahil dito, humanga si Lolit kay Sarah.

"Talagang sagad sa dulo ang love ni Sarah Geronimo sa nanay niyang si Mommy Divine Salve. Kahit pa nga sabihin meron pang konting tampo ito sa kanya hindi niya kinalimutan mag Thank You dito ng tanggapin ang latest award niya," saad niya sa kaniyang Instagram post nitong Sabado, Marso 9.

Dagdag pa niya, kahit anuman ang mangyari hindi raw talaga puwedeng kalimutan ang sariling ina.

"Isang bagay na talagang ipagkakapuri mo dahil kahit ano naman mangyari, ang nanay ay nanay at hindi puwede kalimutan. Dapat na rin siguro na kung anuman ang namamagitan tampo sa mag inang Sarah at Divine kalimutan na at huwag ng pansinin.

"Makikita naman masaya na si Sarah sa buhay may asawa sa piling ni Matteo Guidecelli. At bilang isang ina, iyon lang naman siguro ang wish ni Mommy Divine. Kaya naman kahit paano very touching na ini ukol parin ni Sarah Geronimo ang award sa mother niya," paglalahad pa ng showbiz columnist.

"Salve at Gorgy patunay ito na talagang kahit minsan hindi kinalimutan ni Sarah Geronimo ang naging participation ng mother niya sa kinalalagyan niya ngayon. Gaya din ng hindi puwede kalimutan ng isang ina ang pagmamahal sa isang anak.

"Kaya nga double victory sa pamilya Geronimo, patunay ng husay at galing na taglay ng isang Sarah Geronimo, at patunay sa pagmamahal ni Sarah sa kanyang mommy Divine. Bongga talaga at congratulations our dear Sarah Geronimo. Clap clap clap."