Nag-react ang aktres na si Kris Bernal sa mga nagsasabing parang magkahawig daw ang hairstyle ni Popstar Royalty Sarah Geronimo sa nag-viral na hairstyle niya noon sa reality show na "StarStruck."

Matatandaang naging laman ng memes ang larawan ni Kris kung saan makikitang tila hindi siya naging masaya sa maiksing gupit sa kaniya ng hairstylist.

Inihambing naman ito ng mga netizen sa hairdo ni Sarah sa naganap na Billboard Women in Music Awards 2024 kung saan siya ang kauna-unahang Filipina artist na nakatanggap nito.

Inulan ng reaksiyon ang looks ni Sarah sa nabanggit na awarding ceremony dahil maganda raw ang gown niya na likha ng renowned Filipino fashion designer na si Michael Cinco subalit hindi raw nila bet ang buhok nito, na inayos naman ni Raymond Santiago.

Karina Bautista, PH navy reservist na

Anyway, sabi na lang ni Kris, "Nauuso na po ulit..." Ibinahagi niya ang isang meme patungkol dito sa X post ng isang X user na may caption na "She walked so she could run."

Photo courtesy: Kris Bernal (IG)

Wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang kampo ni Sarah Geronimo kaugnay ng isyung ito.