Tila malaki ang impluwensiya kay Sylvia Sanchez bilang artista ang brilyo sa pag-arte bilang “La Primera Contravida” ng pumanaw na aktres na si Cherie Gil. 

Sa latest vlog ni showbiz insider Aster Amoyo nitong Biyernes, Marso 9, inamin ni Sylvia na hindi raw niya pinangarap maging bida dahil kay Cherie.

“From the start, hindi talaga ako nangarap maging bida. Gusto kong maging kontrabida like Cherie Gil,” saad ni Sylvia.

Ayon sa kaniya, 1989 daw nang pumasok siya sa industriya ng showbiz at noong 2016 lang daw siya nagkaroon ng proyekto kung saan siya ang gumanap na bida. Halos tatlong dekada ang hinintay niya kung susumahin.

Pelikula

Joshua Garcia, boboses sa Pinoy-dubbed version ng 'Inside Out 2'

Pero hindi siya nainip dahil kay Cherie nga niya iniangkla ang sarili niya bilang artista: “‘Yon ‘yong malaking tumulong sa akin. Siguro dahil ito lang ang gusto ko, tiyaga-tiyaga-tiyaga. 

“Kasi kontento na rin ako na nagbibida ako sa TV. ‘Yong mga TV show ng ABS na kinukuha naman ako doon maging bida. Okay na sa akin ‘yon, ‘Ta. Hindi talaga ako nangarap. Pero syempre ‘pag dumating sa akin, why not?’ dugtong pa niya.

Matatandaang pumanaw si Cherie noong Agosto 5 2022 sa edad na 59 dahil sa sakit na cancer.

MAKI-BALITA: Showbiz veteran Cherie Gil, pumanaw na