Hindi makapaniwala ang komedyanteng si Cheena Crab na ang usapan nila ng yumaong aktres na si Jaclyn Jose ay tila "premonition" at nagkatotoo.

Isa si Cheena sa mga nabigla at talagang nalungkot sa untimely na pagpanaw ng mahusay na aktres, na malapit sa kaniya.

Ibinahagi ni Cheena ang screenshots ng usapan nila ni Jaclyn kung saan magkikita pa sana sila ngayong Marso.

Biro pa ni Cheena, sasakalin niya si Jaclyn kapag hindi natuloy ang pagkikita nila.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Ngunit hindi na niya magagawa ito dahil namayapa na nga ang aktres.

Nagkita man sila, abo na lamang ang nasilayan niya matapos itong i-cremate. Urn na lamang nito ang nasisilayan ng mga taong nagnanais na magbigay-pugay sa kaniya.

"HAPPY NEW YEAR TITA …. Sagot nya.. Happy New Year!!! See you sa March 😘—- Then yung MARCH .. Paano yung March? 😩😭😩😭😩😭 Anyare sa March tita @jaclynjose sakit eh… ang labo😫," ani Cheena sa kaniyang caption.

Maging ang mga netizen ay nalungkot na sa ganitong sitwasyon pa sila nagkita.

Marso 2 nang pumanaw ang batikang aktres habang nasa sariling bahay, dahil daw sa atake sa puso.

MAKI-BALITA: Andi Eigenmann, isiniwalat ang cause of death ng ina