Dismayado sina dating Barangay Ginebra player Rico Maierhofer at KG Canaleta makaraang alisin ng PBA ang Slam Dunk competition sa 2024 All-Star game nito sa Bacolod sa Marso 22-23.

Inilabas nina Maierhofer at Canaleta sa PBA MotoClub vlog kamakailan, ang kanilang sama ng loob sa PBA na pinamumunuan ni Wilfrido "Willie" Marcial dahil sa usapin.

Hindi anila kumpleto ang All-Star week kung hindi kasama ang dunk contest.

"I think na hindi proper tanggalin mo 'yung Slam Dunk competition. Maninibago ka, na hindi All-Star," ani Maierhofer.

Depensa naman ni Marcial, napilay ang mga manlalarong inaasahang sasali sa dunk contest.