Matindi raw ang pasasalamat sa Diyos ni Donita Rose matapos mapangasawa ang mister na si Felson Palad.

Sa March 5 episode ng "Fast Talk with Boy Abunda," sinabi ni Donita na answered prayer daw ang pagdating ni Felson sa buhay niya.

Kahit nag-fail ang relasyon nila ng unang mister na si Eric Villarama noong 2016, hindi pa rin daw nawalan ng pag-asa si Donita pagdating sa pag-ibig.

Ang ipinagdasal daw niya sa Poong Maykapal, sana raw ay pastor ito, puwedeng worship leader, Pinoy or at least half.

Relasyon at Hiwalayan

Khalil Ramos, Gabbi Garcia engaged na nga ba?

Wish din niya na sana ay guwapo, matangkad, kaya siyang buhayin, at may sense of humor.

At nakakatawang sinabi rin ni Donita na tinupad din umano ni Lord ang joke niyang sana raw ay "virgin" pa o wala pang karanasan sa pakikipagtalik ang kaniyang mapapangasawa.

"Nag-joke pa ako kay Lord na hindi ko talaga akalain, sabi ko 'Lord, sana maging virgin ang asawa ko. 'Natupad!'"

Tatlong linggo lang daw matapos ang kaniyang dasal, saka raw niya nakilala si Felson. Nang ipagtapat daw nito sa kaniyang virgin pa siya, natahimik daw si Donita.

Akala nito ay na-turn off na siya, pero tugon niya, hindi siya makapaniwalang nasa mga katangian ni Felson ang mga espesipikong katangian ng lalaking ipinagdasal niya sa Diyos.

Setyembre 24, 2022 nang ikasal sina Donita at Felson sa San Clemente, California, USA. Hindi na pinakawalan ni Donita si Felson na pitong buwan pa lamang niyang kasintahan.

MAKI-BALITA: ‘It took 37 years!’ Donita Rose at Felson Palad, ikinasal na