Niyanig ng magnitude 4.1 na lindol ang probinsya ng Davao Oriental nitong Huwebes ng gabi, Marso 7, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa ulat ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 6:14 ng gabi.

Namataan ang epicenter nito 32 kilometro ang layo sa timog-silangan ng Governor Generoso, Davao Oriental, na may lalim na 24 kilometro.

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.

National

Casiño sa pahayag ni PBBM hinggil sa impeachment vs VP Sara: ‘He only deepens culture of impunity!’

Hindi rin daw inaasahang magdudulot ng pinsala ang nangyaring mga pagyanig.