Nakakaloka ang tsika ni Ogie Diaz tungkol daw sa nakarating sa kaniya kung paano naghiwalay ang ex-couple na sina Xian Lim at Kim Chiu.

Sa latest episode ng "Ogie Diaz Showbiz Update," napag-usapan nina Ogie at co-hosts na sina Mama Loi at Ate Mrena ang tungkol sa naganap na hiwalayan. Napag-usapan kasi nila ang umano'y holding hands while walking o HHWW nina Xian at rumored new girlfriend nitong si Iris Lee na producer sa Viva, habang na sa ibang bansa at naghahanap ng lokasyon para sa upcoming horror movie na ipo-produce daw nila.

Going back sa mag-ex, sey ni Ogie, hindi niya alam ang puno't dulo o talagang rason, pero may nakapagsitsit daw sa kaniya kung paano nangyari ang hiwalayan.

May disclaimer pa si Ogie na puwedeng mag-react sina Xian at Kim tungkol dito.

Relasyon at Hiwalayan

Kobe Paras, naka-three point shot na ba sa puso ni Kyline Alcantara?

Ani Ogie, nag-request daw si Xian kay Kim na paglutuan siya ng steak. Habang kumakain, sinabi raw ni Xian kay Kim na tapusin na nila ang relasyon, dahil parang wala naman daw patutunguhan dahil ayaw raw ng pamilya at mga kaibigan ni Kim sa kaniya.

"Nakarating sa atin kung paano sila nag-split... puwede naman itong i-deny ni Kim Chiu or ni Xian Lim... na isang araw daw, itong si Xian Lim ay nag-request kay Kim Chiu na ipagluto siya ng paborito niyang steak. So ito namang si Kim Chiu, eh excited na nagluto ng steak... so no'ng kinakain na nila 'yong steak, hanggang sa, dumayalog si Xian Lim, ang sabi 'Tapusin na natin 'yong ating relasyon. Parang wala rin namang patutunguhan. Parang ayaw rin naman sa akin ng family mo, at ng iba mong friends,'" kuwento ni Ogie.

Sabi ni Ogie, puwedeng OA o kulang ang kuwento niya, pero iyon daw ang nakarating na tsika sa kaniya.

Samantala, wala pang reaksiyon, tugon, o pahayag ang kampo ng dalawang mag-ex tungkol dito.

MAKI-BALITA: ‘End of a Love Story!’ Kim Chiu kinumpirmang hiwalay na sila ni Xian Lim