Naikuwento ng kapatid ni Jaclyn Jose at dating aktres na si Veronica Jones ang nakita sa mga labi ng kaniyang kapatid nang ike-cremate na ito.

Sa video at panayam ng ABS-CBN News, sinabi ni Veronica na nakitaan ng "green bones" ang kaniyang kapatid, na bihirang-bihira sa mga tao.

Aniya, kapag ang isang tao raw ay may green bone, nangangahulugang mabuti talaga ang puso niya.

"Oh Jane [tunay na pangalan ni Jaclyn Jose], may sinasabi silang green, green bones? Ano raw ang ibig sabihin... hindi lahat ng tao na na-cremate meron no'n, very rare, nakita si Jane na meron, ang ibig sabihin daw no'n eh good heart."

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Sumang-ayon naman ang mga kaibigang katabi niya, at totoo naman daw talagang may mabuting puso ang yumaong aktres.

Natanong ulit ang kapatid kung paano niya mailalarawan si Jane.

"Si Jane, mapagmahal, matindi magmahal. Down to earth. Maawain. Napakabait na tao. Walang masamang tinapay," aniya.

Kahit daw sa mga staff ay mabuti ang pakikitungo ni Jane at ayaw niya sa mga pasosyal.

Mamimiss daw niya ang kapatid at mahal na mahal daw niya ito.