Tila nasaktan talaga ang TV host at aktor na si Paolo Contis sa pamamaalam ng kanilang noontime show na “Tahanang Pinakamasaya.”

Sa isang episode kasi ng “Cristy Ferminute” noong Martes, Marso 5, inispluk ni showbiz columnist Cristy Fermin ang nasagap niyang balita mula sa kaniyang mga anak-anakan umano sa GMA Network.

“Totoong-totoo po na tumakbo agad si Paolo Contis sa dressing room at doon humagulhol. Ayaw po niyang magpakita sa harap ng mga camera sa kaniyang pagluha, sa kaniyang pag-iyak, paghagulhol,” saad ni Cristy.

“Siguro naiisip din niya: ‘Naku, lalo akong maba-bash nito dahil dati-rati ang lakas-lakas kong magsalita ng masasakit. Ang lakas kong mangantiyaw. Baka ngayon ‘pag nakita ako lalo akong i-bash.’ ‘Yon siguro ang nasa isip niya, ‘no?” aniya.

Tsika at Intriga

Jessy niresbakan bashers ng pagsabak ni Luis sa politika

Sinang-ayunan naman ito ng co-host ni Cristy na si Romel Chika: “Opo. Kumbaga sa away ikaw ‘yong pinakamalakas mambuska, ‘di ba. Noong nasuntok ka, iiyak ka ba? Syempre hindi.”

Mukhang hindi kasi nagustuhan ng mga solid Dabarkads ang mensaheng binigkas niya noong ipinawalang-bisa na ng Intellectual Property Office of the Philippines (IPOPHIL) ang Trademark Registration ng TAPE, Inc. para sa titulong “Eat Bulaga!”

MAKI-BALITA: Paolo Contis sa isyu ng EB trademark: ‘Mahaba pa ang laban’

In fact, kinantiyawan pa siya noong naipanalo nina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey De Leon, ang laban sa naturang isyu.

MAKI-BALITA: Paolo Contis kinantiyawan dahil sa panalo ng TVJ sa Eat Bulaga

Gayunpaman, naaawa pa rin daw si Cristy kay Paolo dahil tila ginawang pambala sa kanyon ang TV host.

“Sa dinami-dami nilang mga nagho-host ng ‘Tahanang Pinakamasaya,’ siya ‘yong talagang laging iniuumang sa laban. Siya ‘yong para bang 1 milyon ang talent fee araw-araw.”

Kaya mabuti na rin daw ang ginawa ni Paolo na tumakbo siya sa dressing room at hindi na ipinakita pa sa publiko ang paghagulhol niya.   

Matatandaang nagsimulang umugong ang balitang matsutsugi ang naturang noontime show noong Sabado, Marso 2. Kapansin-pansin kasi ang tila pananamlay ng mga host sa kanilang finale spiels. Kinumpirma naman ni Asia’s King of Talk Boy Abunda ang tungkol dito.

MAKI-BALITA: ‘Tahanang Pinakamalungkot?’ Noontime show ng TAPE, tsikang sisibakin na raw

MAKI-BALITA: Boy Abunda, kinumpirma pagbabu ng ‘Tahanang Pinakamasaya’

Sa kasalukuyan, ayon sa showbiz insider na si Ogie Diaz, ayaw pa raw magsalita ni Paolo tungkol sa pamamaalam ng naturang noontime show.

MAKI-BALITA: Paolo Contis, ayaw munang makipag-usap, gustong mapag-isa