Usap-usapan ang inilathalang artikulo ng entertainment site na "Fashion Pulis" kung saan ayon daw sa kanilang source, umano'y nagkabalikan na raw ang naghiwalay na engaged couple na sina Bea Alonzo at Dominic Roque, na ilang buwan na ring nababalot ng kontrobersiya, lalo na ang rason ng break-up.

Matatandaang hindi ito ang unang beses na lumitaw na mukhang nagkabalikan na raw ang dalawa, matapos na sabihin ng showbiz insider na si Jobert Sucaldito sa kaniyang entertainment vlog, na umano'y narinig daw ang tila boses ng isang babae habang nasa video conference si Dominic.

Ang tinig daw ng babae ay parang boses ni Bea.

MAKI-BALITA: ‘Nahuli sa Zoom!’ Dominic, Bea nagkabalikan daw?

Relasyon at Hiwalayan

'Kapal ng pagmumukha!' Appreciation post ni Aljur kay AJ, pinutakti ng netizens

Sa isa sa mga episode naman ng "Ogie Diaz Showbiz Update," natalakay ni Ogie at kaniyang co-hosts na lagi raw napagkikita ang kotse ni Dominic sa labas ng bahay ng ex, at may kuwento pang nakitulog daw ito sa bahay ni Bea minsan.

MAKI-BALITA: Kahit hiwalay na: Dominic, nakitulog pa rin daw sa bahay ni Bea?

Saad sa artikulo ng Fashion Pulis published ngayong Miyerkules, Marso 6, matapos daw maghiwalay ay nagkaroon ng reconciliation sa pagitan ng dalawa. Siguro daw ay maayos na nakapag-usap na ang dalawa. Pero ang hindi raw sure ay kung mapu-push pa nila ang kasal.

Sabi nga ni Bea, "Time is the ultimate truth teller." Kung talagang nagkabalikan sila, malalaman at malalaman din naman ng publiko iyan.