Usap-usapan ng fans nina Kapuso star at fashion socialite Heart Evangelista at Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach ang mga larawan habang nanonood daw ng Akris Fashion Show na ginanap sa Paris noong Marso 3.

Sa ulat ng Fashion Pulis na ibinahagi sa kanila ng kanilang reader, makikita ang ilang kuhang larawan kung saan halos magkatabi sina Pia at Heart subalit napapagitnaan naman ng isang babae.

Photo courtesy: Fashion Pulis

Photo courtesy: Fashion Pulis

Tsika at Intriga

'Magkagalit sila?' Dennis, Ruru 'di raw nagpansinan sa set ng 'Green Bones'

Photo courtesy: Fashion Pulis

Tanong ng netizens sa comment section, nagpansinan daw ba sila?

"Caught in that specific moment lang naman. Malay natin magpansinan [naman]."

"They're both following each other on IG still tsaka na mag-speculate pag nag-unfollowan hahaha."

"Strangers - that’s what they are."

"Dedma?"

"I just post a comment regarding this sa isang post ni FP. Haha. What if naging seatmate talaga sila? Napaka awkward. To think din na hila hila din ni P un former glam team ni H."

Isang netizen naman ang napatanong kung kailan nga raw ba nagsimula ang "pagsasabong" sa pagitan ng dalawa.

"Ako lang siguro [mag-isa] ang walang idea on how the issue between them started," hanash ng netizen.

Segunda naman ng isa, "Same here. Ang alam ko lang yung glam team lipatan, still don't see why that's an issue. Pahiram naman ng notes, classmates!"

Pero isang netizen naman ang sumagot sa kaniya, "nag start nung nagwork kay pia yung mga dating team ni heart. simula nun, ayun nag tantrums na sa social media si heart, puro parinig. hindi na nga lang pinapansin ni pia mga rants nya. ayaw nya kasi magka hanapbuhay mga taong umalis sa kanya."

Matatandaang naisyu nga ang umano'y paglipat ng ex-glam team ni Heart kay Pia, at kamakailan nga, napabalita ang pagkakaharang sa airport ng ilan sa kanila at hindi tuloy nakarating sa Dubai. Ayon naman sa Bureau of Immigration (BI), wala naman daw hold departure order laban sa kanila.

MAKI-BALITA: ‘Di nakalipad pa-Dubai: Heart, ginipit ba ang dating glam team?

Simula noon ay lagi nang naggigirian sa social media ang fans at supporters ng dalawa, lalo na't pareho silang dumadalo sa Paris Fashion Week.

Ngunit kamakailan din, nakiusap si Pia sa kaniyang supporters na itigil na ang "name calling" na below the belt sa ibang babae para lamang depensahan siya.

MAKI-BALITA: Pia naimbyerna, umapela sa supporters; tigilan panghihila pababa sa ibang babae

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang kampo nina Heart at Pia kaugnay nito.