Nagbigay-tribute si Optimum Star Claudine Barretto sa namayapang aktres na si Jaclyn Jose, na nakasama niya sa iconic soap operang "Mula sa Puso" sa ABS-CBN noong 90s.

Sa mga nakakaalam, gumanap na mag-ina ang dalawa bilang si "Via" at "Nay Magda," at hanggang ngayon, tumatak na sa kasaysayan ng Philippine television ang nabanggit na palabas, kabilang pa ang kanilang primera kontrabida na si "Selina Matias" na mahusay na ginampanan ni Princess Punzalan.

Ang direktor nilang si Wenn Deramas ay yumao na rin.

Ani Claudine sa kaniyang Instagram post, "Feb.29 Direk Wenn left us.March 2 Nanay Jane u left us.you left me. I’m in unbearable Pain.everything is painful.u lived 11 houses down from my house.i will miss u coming up to my room tulog ako tatabihan mo ako.pag nagising ako sasabihin mo anak na miss ka lang ni Nanay.andito lang ako,tulog ka pa d ako aalis ng di kita napapatulog.pag may pinagdadaanan ako tatakbo ako mula bahay ko papunta sa bahay mo.didiretso ako sa room mo at tatabihan kita.Sabay sabi Nay pwede dito muna ako.yayakapin mo ako ng mahigpit.kakantahan at patatahanin. Kinsbukasan may mainit na sabaw iaakyat ni yaya ging sakin.galit ako kasi 3months na kita d dinadalaw.ayoko mag isa ka.Nay tulungan mo ako pls.i luv u sobra nay.ang ilap ng tadhana para sa atin dalawa.ang sakit sakit nay.miss na miss kita.im sorry d kita naramdaman gaya ng dati.ikaw bilang nanay ko alam mo may mali andito ka kaagad.mahal na mahal kita Nay."

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Samantala, ayon sa ulat ng PEP, 1:00 ng madaling-araw nang dumalaw sa lamay ng mga labi ni Jaclyn si Claudine.

Naka-cremate na ang mga labi nito at tanging urn na lamang ang makikita ng mga taong magbibigay-pugay sa kaniya.