Kahit matagal nang hiwalay kay Andi Eigenmann, anak pa rin ang naging turing ni Jaclyn Jose kay Jake Ejercito—ama ng kaniyang apo na si Ellie.

Bahagi ng Facebook post ni Jake nitong Martes ang isang screenshot ng message sa kaniya ni Jaclyn.

Anang aktres (published as is), "Jake na mi miss na kita n sobra. Anak. Pa din ang Turing ko sayo. Sorry sa ig kailanngan ko Lang mamili. Mahal kita alam mo yan."

May be an image of text

Jake Ejercito/FB

Jake Ejercito, ginabayan ni Jaclyn Jose kung paano maging ama

Sa naturang Facebook post, ibinahagi ni Jake ang kaniyang mensahe para sa yumaong si Jaclyn.

“Of her many iconic roles, being a grandmother was one she cherished the most, especially to Ellie,” aniya.

Hindi raw siya makaka-survive noon bilang isang ama kung hindi dahil sa paggabay ng batikang aktres.

“I surely wouldn’t have survived those early years of fatherhood without your guidance. We rolled with the punches together— anything and everything just for Ellie.”

Umani naman ng reaksyon mula sa netizens ang mensahe ni Jaclyn kay Jake:

"I can't believe. She's like this in real life?? :(( she truly an angel on this earth. ❤ You have lived well Ms Jacklyn! Your love, kindness, patience and understanding are incomparable! ❤ As seen from Andi (napaka. bait niyang tao) manang mana sa mommy nia "

"Super bait and best mommy La in real life....we love you nanay magda❤️❤️❤️"

"Mahal na mahal niya apo niya Ellie sempre pati ang ama anak na din niya ang Turing.. RIP Ms Jacklyn"

"Rest in peace miss jackyn jose,parang naririnig ko boses mo na sinasabi mo yan."

"Ramdam ko yung bigat na pinagdadaanan nya sa mga salita nya. Rest easy Ms Jane!"

"Ano ba yan napaiyak ako bigla.😭 Ramdam ko Yung message nya sa'yo. Rest in peace Miss Jacklyn Jose😢"

"Makikita naman natin sa mukha ni Jacklyn Jose na mabait at mapagmahal na Ina, siguro hindi rin masisi ang anak nya kasi may pamilya na si Andi ,at wala tayong karapatan na husgahan ang mga anak nya kasi hindi nila ginusta ang pagkamatay ng nanay nila..Dios lang ang nakakaalam sa buhay natin kung hanggang kailan lang tayo dito sa mundo..."

"Sa likod ng mataray niyang muka, mukang napakabait na ina at biyenan ni Ms. Jacklyn Jose.♥️"

Matatandaang nagulantang ang showbiz industry at ang publiko sa pumutok na balita kaugnay sa biglang pagpanaw ng batikang aktres.

Nagsimulang lumabas ang ulat tungkol dito noong Linggo ng gabi, Marso 3, na kinumpirma naman ng kaniyang management na PPL Entertainment, Inc.

MAKI-BALITA: Jaclyn Jose, pumanaw na

MAKI-BALITA: PPL Entertainment, kinumpirma ang pagpanaw ni Jaclyn Jose

Kinabukasan, Marso 4, emosyunal na humarap sa publiko ang anak ni Jaclyn na si Andi Eigenmann para isiwalat ang dahilan ng pagyao ng kaniyang ina.

MAKI-BALITA: Andi Eigenmann, isiniwalat ang cause of death ng ina