Niyanig ng magnitude 4.0 na lindol ang probinsya ng Davao Occidental nitong Martes ng tanghali, Marso 5, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Sa ulat ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 12:43 ng tanghali.
Namataan ang epicenter nito 101 kilometro ang layo sa timog-silangan ng Sarangani Island sa Sarangani, Davao Occidental, na may lalim na 103 kilometro.
Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.
Hindi rin daw inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.
Nito lamang Martes ng umaga nang yanigin ng magnitude 5.0 na lindol ang Jose Abad Santos, Davao Occidental.