Walang idineklarang nanalo sa Grand Lotto 6/55 draw nitong Marso 4 ng gabi.

Hindi nahulaan ang winning combination na 07-31-49-33-32-40, ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Dahil dito, inaasahang lolobo pa ang jackpot na ₱100,775,894.00 makaraang hindi tamaan sa naturang draw.

National

Ilocos Sur, niyanig ng magnitude 4.3 na lindol

Binobola ng PCSO ang Grand Lotto tuwing Lunes, Miyerkules at Sabado.

Nitong Enero 17, napanalunan ng isang mananaya ang mahigit sa ₱698.8 milyon matapos mahulaan ang 6-digit na winning combination na 24-50-52-09-51-03.