Humahaba na naman ang listahan ng celebrity at influencer couples na nauuwi sa hiwalayan ang relasyon.

Recent nga ang pag-amin ng vlogger na si Mika Salamanca at Smart Omega MLBB pro player John Paul “H2WO” Salonga na hiwalay na sila.

Sa Facebook post ni Mika, nilagyan niya ito ng caption na "MiWo, signing off."

Sa Facebook post naman ni H2WO ay magkasama nilang ipinaliwanag ang dahilan ng kanilang hiwalayan. Ibinahagi naman ito ni Mika sa kaniyang Facebook account.

Relasyon at Hiwalayan

Khalil Ramos, Gabbi Garcia engaged na nga ba?

"PINAKAMASAYANG TATLONG TAON NG BUHAY KO," caption dito ni H2WO.

Sa unang stage daw ng relationship nila ay marami raw silang mga naranasang first time lang at nakilalang iba't ibang mga tao. Si H2, mas nag-mature daw habang si Mika naman ay mas lumabas ang "motherly side." Sa relasyon nilang dalawa, parang naging nanay daw kasi si Mika.

Bagama't hiwalay na, mananatili naman daw silang magkaibigan at priority nila ang growth ng isa't isa sa hiwalay na paraan.

"Sorry, kasi kailangan muna naming isipin 'yong isa't isa," saad ni Mika.

Nahirapan daw silang gumawa ng video at umamin dahil inisip daw muna nila ang mararamdaman ng kanilang fans.

Kamakailan lamang ay inanunsyo naman ng influencer couple na sina Jamie Bautista at Anthony Leodones ang kanilang hiwalayan makalipas ang walong taong pagsasama.

MAKI-BALITA: Unti-unting naubos! Hiwalayan ng mag-jowang influencers, nagpa-shookt sa followers