Isang magnitude 4.4 na lindol ang tumama sa probinsya ng Surigao del Sur nitong Lunes ng madaling araw, Marso 4, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Sa ulat ng Phivolcs, yumanig ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 2:51 ng madaling araw.
Namataan ang epicenter nito 30 kilometro ang layo sa timog-silangan ng Marihatag, Surigao del Sur, na may lalim na 23 kilometro.
Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.
Hindi rin daw inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.