Nagdalamhati ang aktres na si Gladys Reyes sa pagyao ng batikang artistang si Jaclyn Jose.

Sa latest Instagram post ni Gladys nitong Lunes, Marso 4, ibinahagi niya ang isang vlog kung saan kasama niya si Jaclyn

“Ate Jane @jaclynjose , nakakagulat naman, binigla mo kaming lahat 😢 ang dami nating pinagsamahan, simula 9 years old ako sa Lovingly Yours Helen hanggang dito sa huling movie natin na Apag, di ka nagbago sakin,” saad ni Gladys.

“Isa itong vlog na to sa di ko makakalimutan na masayang bonding natin sa set. Salamat sa mga tips, pag-alaga mo sakin na parang ate kita talaga,” aniya.

Tsika at Intriga

Maris, namundok matapos maeskandalo kay Anthony

Dagdag pa ni Gladys: “Nabawasan na naman ng isang magaling at de kalibreng aktor ang industriya. Mamimiss namin ang nag-iisang Jacklyn Jose ❤”

Nakiisa naman ang mga netizen sa pagdadalamhati ni Gladys. Narito ang ilan sa kanilang mga reaksiyon sa comment section:

"First time ko naiyak sa pagpanaw ng isang artista. Favorite ko po yan.😭💔"

"Sad😔Isang malaking kawalan!!😢 isa sa mga haligi ng showbiz industry!! one of the best👍 ms. @jaclynjose🕯🕯🌹🌹 RIP🕯🌹🙏🙏🙏🙏"

"Nawalan nanaman tayo ng isang veteran actress 😭💔"

"Gone too soon! RIP Ms Jaclyn Jose.🙏"

"Sad but need to accept. Because all our life is from God. Wala makakapagsabi kelan babawiin s'tin ng Panginoon"

Nagsimulang lumabas ang ulat tungkol sa pagpanaw ni Jaclyn noong Linggo ng gabi, Marso 3. Kasunod nito ay kinumpirma ng kaniyang management ang nasabing balita.

MAKI-BALITA: Jaclyn Jose, pumanaw na

MAKI-BALITA: PPL Entertainment, kinumpirma ang pagpanaw ni Jaclyn Jose