Tahasang inamin ng isa sa mga host ng "Tahanang Pinakamasaya" na si Chariz Solomon na totoong huling pag-ere na ng kanilang noontime show noong Marso 2.

Ibinahagi niya sa Instagram post nitong Linggo, Marso 3, ang ilang kuhang larawan nila ng hosts at production team na nasa likod nito.

"I’m excited for God’s greater purpose for this Beautiful family. 🫶"

"#TahanangPinakamasaya indeed," aniya sa caption.

Tsika at Intriga

Jessy niresbakan bashers ng pagsabak ni Luis sa politika

Isang netizen naman ang nagtanong sa kaniya tungkol sa isyu.

"Sis true ba last day nyo kahapon [Saturday?]" untag nito.

Walang paligoy-ligoy na sagot ni Chariz, "@joelcruz464 sadly, opo. But praying for best days ahead. Mababait po ang mga kasamahan namin dyan, at napakagagaling na tao. They work whole heartedly, at grabe po ang prinsipyo sa buhay. Kaya po ipagdarasal ko na mabigyan sila agad ng trabaho, para sa kanilang pamilya."

Sa tanong naman sa kaniya ng isang netizen kung sino o anong programa ang gagamit ng time slot na mababakante, sinabi ni Chariz na wala siyang ideya.

Nagbigay rin siya ng komento sa isang netizen na nagsabing nasimulan kasi sa negativity ang show kaya nagkaganito ang resulta.

"naumpisahan sa negativity.. kya negative din ang naging result 😏💯 i only love janice sa pm. pero u joining this noontime, no comment."

Sey ni Chariz, "thank you for loving Pepito Manaloto 🫶 I want you to know, I wouldnt be part of something na negative. Baka sa mga nababasa nyo, nakikita nyo, nega kami… pero sa tahanan namin, it’s true… sobrang saya. I’m sorry you feel that way for TP."

Samantala, maugong naman ang espekulasyon ng mga netizen na baka "It's Showtime" o "TikToClock" ang ilalagay ng GMA Network sa mababakanteng oras.

MAKI-BALITA: Alin mas masaya? It’s Showtime, TikToClock maugong na isasalpak daw sa timeslot ng Tahanang Pinakamasaya

MAKI-BALITA: ‘Tahanang Pinakamalungkot?’ Noontime show ng TAPE, tsikang sisibakin na raw