Emosyunal na humarap sa publiko ang aktres na si Andi Eigenmann kasama ang half-brother niyang si Gabby Eigenmann.

Sa Facebook live ng ABS-CBN News nitong Lunes, Marso 4, nagpasalamat siya sa mga nagpaabot ng pakikiramay at panalangin para sa pagpanaw ng ina niyang si Jaclyn Jose. 

“We’d like to thank everyone who has sent their extended prayers and condolences to us,” saad ni Andi.

Kasunod nito, umapela rin si Andi na irespeto umano ng publiko ang paglulusa ng kanilang pamilya sa sinapit ng kaniyang ina.

Relasyon at Hiwalayan

Chloe punumpuno ang puso dahil kay Carlos, inurirat kung kailan papakasal

“As our family is trying to come to terms with this unfortunate incident, please provide us respect and privacy to grieve, and we hope this puts all the speculations to rest,” aniya.

Dagdag pa ni Andi: "Her undeniable legacy will forever live on through her work, through her children, and the many lives she touched as she herself, her life herself, was her greatest obra maestra. Thank you.”

Pero bago pa man ito, nauna munang isiwalat ni Andi ang dahilan ng pagkamatay ni Jaclyn noong Marso 2.

MAKI-BALITA: Andi Eigenmann, isiniwalat ang cause of death ng ina

Matatandaang nagsimulang lumabas ang ulat tungkol sa pagyao ng batikang aktres nitong Linggo ng gabi, Marso 3, na sinundan naman ng kumpirmasyon ng kaniyang management.

MAKI-BALITA: Jaclyn Jose, pumanaw na

MAKI-BALITA: PPL Entertainment, kinumpirma ang pagpanaw ni Jaclyn Jose