Nasa labas na ng teritoryo ng Pilipinas ang dalawang research vessel ng China na nauna nang namataan sa Philippine Rise (Benham Rise).

"Malayo na, labas na ng ating EEZ (exclusive economic zone). Nasa mga 800 miles na as of yesterday morning," pahayag ni Philippine Navy (PN) spokesperson for the West Philippine Sea Commodore Roy Vincent Trinidad sa panayam sa radyo nitong Lunes.

National

Umano'y 'white substance' na inabot kay PBBM, isang lapel pin daw sey ng PCO

Hindi aniya tumagal sa teritoryo ng Pilipinas ang dalawang barko ng China at dumaan lamang ito sa EEZ ng bansa at sa Benham Rise.

Aniya, patungong timog silangan ng Pacific Ocean ang dalawang barko at naglalayag sa bilis na mula walo hanggang 10 knots.

"They have the freedom of navigation when it comes to the EEZ of coastal states so pwede siyang dumaan," banggit ni Trinidad.

Nilinaw din ni Trinidad na walang nagawang paglabag ang dalawang barko habang nasa karagatan ng Pilipinas.

Matatandaang naiulat na dalawang barko ng China ang umalis sa Guangzhou City nitong Pebrero 26 at namataan ang mga ito sa hilagang silangan ng Philippine Rise.

 

PNA